top of page
bg tab.png

Patuloy na Bayanihan: Clean-Up Drive, Isinagawa ng mga Kawani at Opisyal sa Barangay Donacion

Sep 20
1 min read

Muling ipinadama ng Pamahalaang Barangay ng Donacion ang suporta sa pambansang kampanya sa kalinisan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Clean-Up Drive para sa "Barangay Kalinisan Day" nitong Sabado, Setyembre 19, 2026.


Pinangunahan ng Sangguniang Barangay, kasama ang masisipag na kawani at mga opisyal ng barangay, ang paglilinis sa mga pangunahing kalsada, kanal, at mga pampublikong pasilidad sa buong komunidad.


Layunin ng patuloy na inisyatibong ito na masugpo ang pinagmumulan ng mga sakit at mapanatiling ligtas, maayos, at maaliwalas ang buong barangay.


Nanawagan muli ang pamunuan ng Barangay Donacion sa lahat ng residente na maging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at patuloy na makiisa sa mga programang pangkalinisan upang mapaganda at mapanatiling malinis ang pamayanan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page