top of page
bg tab.png

Paniningil ng Barangay Fees sa mga Negosyo, Legal at Batay sa Ordinansa — Brgy. Banaban


Naglabas ng mahalagang paglilinaw ang Pamunuan ng Barangay Banaban kaugnay ng mga sinisingil na bayarin para sa mga bagong negosyo at kabuhayan sa loob ng nasasakupan, gaya ng mga hog farms o babuyan.


Ayon sa pahayag ng barangay, ang lahat ng paniningil ay legal at may kaukulang resibo. Ipinaliwanag na ang mga fees na ito ay hindi gawa-gawa lamang, kundi nakabase sa isang Barangay Ordinance na dumaan sa tamang proseso at inaprubahan din ng Sangguniang Bayan ng Angat.


Nilinaw ng barangay na sakop nito ang lahat ng uri ng kabuhayan, maliit man o malaking farm. Ang pondong nakukuha mula rito ay gagamitin para sa mga programa at serbisyo sa komunidad. Nanawagan ang mga opisyal ng barangay para sa kooperasyon at pang-unawa ng lahat upang masiguro ang maayos at legal na operasyon ng mga negosyo sa Banaban.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page