top of page
bg tab.png

PANDAIGDIGANG ARAW NG KABATAAN 2026, IPINAGDIWANG NG LYDC ANGAT


Nakiisa ang Local Youth Development Council (LYDC) ng Angat sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kabataan 2026 (International Youth Day) ngayong Agosto, na may temang "Different Contexts, Common Aspirations."


Sa kabila ng magkakaibang pinanggalingan, karanasan, at pangarap ng bawat kabataan, binigyang-diin ng LYDC ang iisang mithiin ng sektor—ang maging bahagi ng positibong pagbabago at makapag-ambag sa pagbuo ng mas maunlad, inklusibo, at matatag na komunidad.


Muling kinilala ng organisasyon ang mahalagang papel ng kabataang Angatenyo bilang:

  • Mga Lider at Innovator na nagpapasimula ng mga makabagong solusyon

  • Mga Boluntaryo na handang maglingkod sa kapwa

  • Aktibong Mamamayan na nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa bayan


Ayon sa LYDC, ang pagbibigay ng sapat na oportunidad at suporta sa mga kabataang nangangarap at kumikilos ay susi sa mas maliwanag na kinabukasan ng buong bayan ng Angat. Pinagtibay rin ng grupo ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng mga inisyatibang mag-aangat sa boses at kakayahan ng mga kabataan sa bawat barangay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page