Pamahalaang Bayan ng Angat, Matagumpay na Nagsagawa ng Municipal Joint Services sa Barangay
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) upang mas mapalapit sa mga mamamayan ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.
Ang programa ay isinagawa katuwang ang Damayan sa Barangay ng Pamahalaang Panlalawigan. Naghatid ito ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, at mga programang naglalayong paigtingin ang kaalaman ng komunidad sa pangangalaga ng kapaligiran.
Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, umabot sa humigit-kumulang 650 indibidwal ang nakinabang sa mga serbisyo. Bukod dito, 80 pamilya rin ang naabot sa pamamagitan ng isinagawang dalaw-bahay na nagmula sa mga barangay ng San Roque, Sta. Cruz, at Sto. Cristo.
Tampok din sa programa ang masusing pagtalakay sa Solid Waste Management (SWM). Layunin nitong palakasin ang disiplina at aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa tamang pagse-segregate at pamamahala ng basura upang mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar.
Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa Angat Eye Clinic, Angat Kalusugan Volunteers at Jowable Youth na naging katuwang sa aktibidad,
.









Comments