Pagtataas ng Watawat at Banal na Misa, Pinangunahan ng MBO sa Angat LGU
- Angat, Bulacan

- 3 days ago
- 1 min read

Isinagawa ang lingguhang seremonya ng pagtataas ng watawat (flag-raising ceremony) ngayong Lunes, na pinangunahan ng mga kawani mula sa Municipal Budget Office (MBO) ng Angat Local Government Unit (LGU).
Ang nasabing seremonya ay dinaluhan at sinuportahan mismo ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama ang mga kinatawan mula sa Angat Philippine National Police (PNP) at Angat Bureau of Fire Protection (BFP).
Nakiisa rin sa pagtitipon ang lahat ng mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan at ang kabuuang kawani ng pamahalaang bayan.
Kasunod ng pormal na pagtataas ng watawat, nagkaroon ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Msgr. Manuel Villaroman, bilang bahagi ng lingguhang panimula ng kanilang trabaho.








Comments