Isang paalala mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat: Ang pagpapabakuna ng Human Papillomavirus (HPV) Vaccine ay mahalaga para sa kalusugan at proteksyon laban sa mga sakit na maaaring idulot ng HPV.
Ngayong Abril sisimulan ang pagbabakuna sa lahat ng mga kababaihan at kabataang babae mula 9 hanggang 14 taong gulang na Grade 4 students sa mga pampublikong paaralan sa ating bayan. Magpabakuna laban sa HPV upang mapanatili ang inyong kalusugan at maiwasan ang mga komplikasyon tulad ng cervical cancer, ito ay libre at ligtas. Makipag ugnayan sa inyong barangay health station upang makapagpabakuna laban sa HPV.
Para sa karagdagang impormasyon panoorin ang video mula sa ating Punong Bayan Reynante S. Bautista.
Huwag hayaang mabiktima ng HPV. Isabuhay ang tamang pangangalaga sa kalusugan. Magpabakuna na!
Comments