Orange Rainfall Warning, Itinaas sa Angat at iba pang Bayan sa Bulacan Dulot ng Habagat
- Angat, Bulacan

- 17 hours ago
- 1 min read

Isinailalim sa Orange Warning Level ang bayan ng Angat at ang buong lalawigan ng Bulacan matapos magpalabas ng Heavy Rainfall Warning No. 8 ang PAGASA-NCR PRSD ngayong Setyembre 4, 2026, ganap na 5:00 ng hapon.
Ayon sa ulat na ipinalabas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat, ang patuloy na pag-uulan ay sanhi ng umiiral na Southwest Monsoon o Hanging Habagat. Kasama ng Angat sa ilalim ng Orange Warning Level ang mga kalapit-bayan sa Bulacan, pati na rin ang mga lalawigan ng Pampanga, Zambales, Bataan, at ilang bahagi ng Tarlac.
Dahil sa antas ng babalang ito, nagbabala ang MDRRMO Angat ukol sa patuloy na banta ng pagbaha (flooding is threatening) sa mga mababang lugar at malapit sa mga ilog.
Pinapayuhan ang buong publiko at ang mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office na patuloy na subaybayan ang kalagayan ng panahon at mag-abang sa susunod na opisyal na ulat na ilalabas ngayong 8:00 ng gabi.









Comments