top of page
bg tab.png

Nutrition Office ng Angat, Nagdaos ng Buwanang Pagpupulong para sa Pagsusulong ng Nutrisyon sa mga Barangay

Sep 20
1 min read

Matagumpay na idinaos ng Angat Nutrition Office ang buwanang pagpupulong ng mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) o Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) noong Setyembre 15, 2026, upang pag-usapan ang pagpapatatag ng mga programang pangkalusugan sa bawat barangay.


Pangunahing tinalakay sa pagtitipon ang maagang paghahanda para sa Operation Timbang (OPT) Plus 2027, kabilang ang pagbuo ng mga OPT team, ang imbentaryo ng mga weighing scale at height board, at ang maayos na pagsusumite ng mga monitoring form at outcome target monitoring.



Binigyang-diin din sa pulong ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga inisyatiba para sa mga ina, tulad ng buwanang pagpupulong ng mga Breastfeeding Support Groups sa bawat barangay at ang paglikha ng Breastfeeding Monitoring Group.


Kasabay nito, inianunsyo rin ang paglalagay ng mga tarpaulin ukol sa Executive Order No. 51 (National Code of Marketing of Breastmilk Substitutes) sa lahat ng pampublikong gusali sa bayan upang higit na maprotektahan at maipalaganap ang kahalagahan ng pagpapasuso sa mga sanggol.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page