top of page
bg tab.png

‘Nu-TREE Planting 2026,’ Matagumpay na Isinagawa sa Barangay Laog


Bilang kambal na pagsalubong sa National Nutrition Month at National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo, isang malawakang aktibidad ng pagtatanim ng puno ang matagumpay na isinagawa sa Barangay Laog.


Ang aktibidad na binansagang Nu-TREE Planting 2026 ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Municipal Nutrition Office, katuwang ang iba't ibang sektor at ahensya ng Pamahalaang Bayan ng Angat upang isabuhay ang temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"


Naging susi sa tagumpay ng malawakang pagtatanim ang pagkakaisa ng mga opisyal at kawani ng bayan kasama ang kabataan at mga volunteer group. Kabilang sa mga nakiisa at nagbayanihan sa Barangay Laog ang mga sumusunod:

  • MDRRMO Angat at Municipal Nutrition Office

  • Angat Local Youth Development Council at Jowable Youth

  • Rotaract Club of Angat

  • Mga opisyal at residente ng Bararngay Laog

  • MENRO Angat

  • BFP R3 Angat Fire Station - Bulacan



Ayon sa pamunuan, ang pagtatanim ng puno ay hindi lamang simpleng hakbang para sa kapaligiran, kundi isang pangmatagalang pamumuhunan para sa mas ligtas, mas matatag, at mas malusog na kinabukasan ng mga Angateño. Ang mga itinanim na puno ay inaasahang makatutulong sa pagpapanatili ng malinis na hangin, pagprotekta sa likas na yaman, at pagpapalakas ng depensa ng komunidad laban sa mga sakuna at pagbaha.


Ipinakita ng aktibidad na ito na ang wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at kahandaan sa kalamidad ay magkakaugnay na pundasyon upang makamit ang isang ligtas at maunlad na pamayanan.


Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa MDRRMO at sa lahat ng mga nakiisa, kalakip ang hiling na magsilbi sana itong inspirasyon sa bawat mamamayan na patuloy na magtanim ngayon para sa isang mas luntiang bukas at mas matatag na komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page