Bayanihan sa Banaban! Nangingibabaw po ang diwa ng pagmamalasakit at pagtutulungan para ihatid ang mga programang pampamayanan. Taos pusong pasasalamat sa ating mga volunteers na kasama nating nagbigay ng serbisyong panlipunan sa Banaban.
Hatid natin ang iba’t ibang serbisyo na nakasentro sa pangangailangan ng ating mga ka-barangay kagaya ng mga sumusunod:
✅ Libreng Serbisyong Medikal at Dental
✅ Eye Check-Up
✅ Personal Care Services (Libreng gupit, alis kuto)
✅ Bakuna sa hayop
✅ Libreng binhi
✅ Serbisyong Nutrisyon para sa mga buntis at breastfeeding mothers
✅ Libreng Konsultasyong Legal
Personal din po nating binisita ang mga Angatenyo na senior citizens, may karamdaman o kapansanan upang iparamdam sa kanila na sa Angat, walang maiiwan.
Comments