MTO Angat, Nagpaalala sa Maagang Pagbabayad ng Amilyar
- Angat, Bulacan

- Jun 1
- 1 min read

Upang mas lalo pang mapondohan ang mga proyekto at serbisyong pampubliko ng bayan, muling nagpaalala Municipal Treasurer's Office (MTO Angat) sa lahat ng mga may-ari ng ari-arian na bayaran ang kanilang Real Property Tax (RPT) o amilyar sa takdang panahon.
Ayon sa MTO Angat, ang maagang pagbabayad ng buwis ay hindi lamang pagtupad sa tungkulin bilang mamamayan, kundi isang malaking tulong upang masiguro ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng mga imprastraktura, kalusugan, at edukasyon sa bayan.
Maaaring magtungo ang mga taxpayer sa Ground Floor ng New Angat Municipal Hall, mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon upang magproseso at magbayad ng kanilang mga obligasyong pinansyal.









Comments