top of page
bg tab.png

Mga Atletang Angatenyo, Nag-uwi ng Karangalan sa National Poomsae Interschool Competition


Muling pinatunayan ng mga kabataang Angatenyo ang kanilang husay, disiplina, at dedikasyon sa larangan ng palakasan matapos manguna at makamit ang matataas na ranggo sa katatapos lamang na National Poomsae Interschool Competition.


Nanguna sa pambansang paligsahan si Viela Anne De Guzman mula sa Barangay Sulucan na sumungkit ng Gold Medal at pwestong Rank 1 Nationwide. Nasungkit naman ni Sabrina Angel De Guzman mula sa Barangay Binagbag ang Silver Medal (Rank 2), habang nasungkit ni Given Centine Santos mula rin sa Barangay Binagbag ang Bronze Medal (Rank 3).



Kasama rin sa pumasok sa Top 10 Nationwide ang mga sumusunod na atleta:

  • Rank 5: Sophia Cassandra Marcelo (Brgy. Sta. Lucia)

  • Rank 6: Rianna Gregorio (Brgy. Binagbag)

  • Rank 8: Jhayden Bernardo (Brgy. Taboc)

  • Rank 9: Crislyn Marie Cruz (Brgy. Sulucan), Alliyah Joy Cruz (Brgy. Binagbag), at Jilliana Trinidad (Brgy. Sulucan)


Ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang kanilang taos-pusong pagbati sa mga batang atleta na nag-uwi ng malaking karangalan sa kanilang mga pamilya, paaralan, barangay, at sa buong bayan. Inaasahan na ang tagumpay na ito ay magsisilbing inspirasyon sa iba pang kabataang Angatenyo na nagnanais magtagumpay sa larangan ng palakasan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page