top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Hinirang bilang Top Performing Office of the Year

Isang matamis na tagumpay ang sumalubong sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat matapos itong hirangin bilang Top Performing Office of the Year sa katatapos lamang na Year-End Assessment na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Angat.


Ang naturang prestihiyosong parangal ay nagsisilbing testamento sa dedikasyon at tapat na serbisyo ng buong departamento sa kanilang misyon na pangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat Angateño.


Ayon sa Lokal na Pamahalaan, ang tagumpay na ito ay bunga ng maayos na ugnayan, malinaw na komunikasyon, at epektibong pagpapatupad ng mga programa para sa kaligtasan.


Binigyang-diin sa naturang pagkilala ang mahusay na pamamahala nina Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista – Punong Bayan at MDRRM Council Chairman at G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I – Head ng MDRRMO. Sa ilalim ng kanilang gabay, naitaas ang antas ng serbisyo publiko na naglalayong makamit ang patuloy na asenso ng bayan.


Ang plake ng pagkilala ay inialay sa lahat ng mga kawani ng Angat MDRRMO na nagsilbing mga frontliners sa oras ng panganib at pangangailangan. Ang parangal na ito ay pagkilala rin sa kanilang mga sakripisyo—mula sa paglalaan ng oras, lakas, at pagsuong sa panganib upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page