MAO-Angat, Pinarangalan bilang Outstanding Performer sa High-Value Crops Program
- angat bulacan
- Oct 2, 2025
- 1 min read

ANGAT, BULACAN — Isang karangalan ang natanggap ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Angat matapos kilalanin bilang Outstanding Performer sa implementasyon ng High-Value Crops Development Program (HVCDP), kung saan nakuha nila ang Rank 2 sa buong lalawigan.
Ang pagkilalang ito ay bunga ng kanilang masigasig at epektibong pagtutok sa pagpapalago ng mga high-value crops sa bayan—tulad ng gulay, prutas, herbs, at iba pang produktong may mataas na kita sa merkado.
Isang malaking hakbang ito tungo sa mas masaganang ani at progresibong agrikultura sa Angat.









Comments