MAHALAGANG PAALALA: Gabay sa Libreng Kapon ng mga Alagang Hayop sa Angat
- angat bulacan
- Oct 28
- 2 min read

ANGAT, BULACAN — Bilang bahagi ng programang pangkalusugan para sa mga alagang hayop, ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ang Libreng Kapon (Neutering/Spaying) para sa mga aso at pusa. Upang masiguro ang maayos, ligtas, at epektibong proseso, narito ang mga mahalagang tagubilin para sa lahat ng pet owners na may naka-schedule na appointment.
BAGO PUMUNTA SA VENUE:
Oras ng Appointment:Siguraduhing alam ang nakatalagang oras ng kapon. Sumunod sa time slot upang maiwasan ang pagkaantala.
Pag-aayuno:Iwasang painumin o pakainin ang alaga 8–10 oras bago ang operasyon.
Kalusugan at Edad:
Dapat ang alaga ay 6 na buwan hanggang 2 taong gulang.
Hindi dapat ito buntis, bagong panganak, naglalandi, o may sakit.
Panatilihing kalmado at iwasan ang stress bago ang surgery.
Transportasyon:
Aso: Kailangang nakatalì sa leash.
Pusa: Dapat nakalagay sa cage o carrier.
Mga Dapat Dalhin:
Diaper
Supot o papel para sa dumi
Tuwalya para sa alaga
SA PAGDATING SA ANGAT MUNICIPAL GYMNASIUM:
Oras ng Pagdating:Dumating 15–20 minuto bago ang iyong time slot.
Rehistrasyon:
Pumirma sa registration form.
Sagutan ang waiver.
Paalala: Ang veterinaryo ay hindi mananagot sa anumang mangyari pagkatapos ng operasyon — kaya't mahalagang alagaan nang maigi ang inyong alaga pagkatapos nito.
Waiting Area:
Manatili sa waiting area.
Huwag hayaang makipaglapit ang iyong alaga sa ibang hayop.
Surgery:Ang operasyon ay karaniwang tumatagal ng 15–30 minuto.
Pagkatapos ng Surgery:
Kumonsulta agad sa vet para sa post-op instructions.
Sundin ang lahat ng payo para sa mabilis na paggaling ng alaga.
Pag-uwi:Gamitin ang dalang tuwalya para protektahan ang alaga habang pauwi. Siguraduhing maayos ang kondisyon nito sa buong panahon ng recovery.
Inaasahan ang inyong kooperasyon para sa maayos na takbo ng libreng kapon. Para sa ligtas, malusog, at responsableng pag-aalaga — suportahan ang programang ito!









Comments