LYDC at SK Federation, inilunsad ang ‘JurisQuest: The 2026 Interschool Debates’ para sa Boys' and Girls' Week

Inilunsad ng Angat Local Youth Development Council (LYDC) at Sangguniang Kabataan (SK) Federation of Angat ang “JurisQuest: The 2026 Interschool Debates” bilang isa sa mga pangunahing tampok na aktibidad sa pagdiriwang ng Boys' and Girls' Week 2026.
Sa ilalim ng temang "Voices for Good Governance," layunin ng pambayang debate na ito na magbigay ng entablado sa mga kabataang mag-aaral mula sa iba't ibang pampubliko at pribadong paaralan sa Angat upang magbahagi ng matatalinong kaisipan, makabuluhang argumento, at kritikal na pananaw sa mga pambansang usapin.

Nahahati sa tatlong tapatan ang paligsahan:
Unang Debate (1:15 PM - 2:00 PM): Tatalakayin ang Revised DepEd Guidelines sa pagitan ng Angat National High School (Affirmative) na kinabibilangan nina Jeremia M. Jalgalado, Kenjie C. Lalic, at Cedrick Jayce P. Del Rosario; at ng Lourdes College of Bulacan, Inc. (Negative) na lalabanan nina Febbie T. Benico, Jasmine H. Bangiban, at Princess Joy S. Villarama.
Ikalawang Debate (2:00 PM - 2:45 PM): Isusulong ang usaping Parliamentary Shift sa pagitan ng Colegio de Sta. Monica de Angat (Affirmative) nina Marchel Joice L. Desales, Rasnell Drei DR. Santiago, at Mc Json Pocholo Dalangin; laban sa Binagbag National High School (Negative) na bubuuin nina Christine Joy M. Feliciano, Edmundo B. Cruz, at Leona Marie E. Acot.
Ikatlong Debate (3:15 PM - 4:00 PM): Pagdedebatehan ang paksang Pax Silica sa pagitan ng Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School (Affirmative) na kinakatawan nina Erica DR. Villanueva, Alina R. Austria, at Ramielle Anne P. Lipana; at ng St. Joseph Kalinangan Integrated School (Negative) nina Princess Ruth I. Pandapit, Arlene C. De Leon, at Jerome R. Maligaya.
Hinihikayat ng LYDC Angat ang buong komunidad na suportahan ang mga kabataang debater sa kanilang matapang at makabuluhang pakikilahok para sa pagsusulong ng responsableng pamamahala at kabataang liderato.









Comments