top of page
bg tab.png

Lingguhang ‘Clean-up Drive’, Patuloy na Isinasagawa sa Brgy. Banaban


Sa gitna ng mainit na panahon, hindi natinag ang pagkakaisa ng mga residente at opisyales ng Barangay Banaban sa muling pagsasagawa ng kanilang Weekly Clean-up Drive ngayong Sabado, ika-14 ng Marso, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng masidhing kampanya ng barangay upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa bawat purok. Nakatuon ang paglilinis sa pagtatabas ng mga matataas na damo sa gilid ng kalsada, pag-aalis ng mga nakatambak na basura, at paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang matiyak na walang pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit na Dengue.




Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page