top of page
bg tab.png

Lingguhang Clean-Up Drive ng Barangay Niugan, Tuloy-tuloy ang Arangkada para sa Kalinisan


Hindi nagpapa-awat ang Sangguniang Barangay ng Niugan sa kanilang adhikain na panatilihing asri at malinis ang kapaligiran matapos muling isagawa ang kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong ika-10 ng Enero, 2026.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng serye ng mga paglilinis na isinasagawa tuwing linggo upang masigurong walang naiipong basura sa mga kalsada at daluyan ng tubig. Sa ilalim ng pamumuno ng Sangguniang Barangay, naging sentro ng operasyon ang pagwawalis sa mga pangunahing kalsada at pag-aalis ng mga bara sa mga kanal upang maiwasan ang pag-apaw ng tubig at pagdami ng mga lamok.


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagiging "weekly" o lingguhan ng gawaing ito ay patunay na ang kalinisan sa Niugan ay hindi lamang isang ningas-kugon na proyekto kundi isang pangmatagalang commitment para sa kalusugan ng bawat residente. Hinikayat din ang mga mamamayan na makiisa sa pamamagitan ng paglilinis ng kani-kanilang tapat ng bahay.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page