top of page
bg tab.png

Limang Mag-aaral mula sa Barangay Banaban, Nakatanggap ng tig-₱20,000 mula sa Bagong Pilipinas Presidential Scholars Program

Sep 21
1 min read

Limang kwalipikadong 4th year college students mula sa Barangay Banaban, Angat, Bulacan ang pormal na tumanggap ng tig-₱20,000 na educational assistance sa ginanap na pamamahagi ng scholarship sa ilalim ng Bagong Pilipinas Presidential Scholars (BBMP) Program.



Ipinakilala ng Pamahalaang Barangay ng Banaban ang mga napiling iskolar na sina:

  1. Jhon Philip Creila De Jesus

  2. Alpha Kimberly Cruz Villarama

  3. Bhea Zafra Marcelo

  4. Angel Llianita Valencia

  5. Angeline Tigas Yanga


Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagkakaloob ng pondo sa mga mag-aaral ay bahagi ng patuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan para sa edukasyon at magandang kinabukasan ng mga kabataan.


Nagpaabot ng mainit na pagbati ang Barangay Banaban sa mga natatanging mag-aaral at umasang magsisilbi itong inspirasyon at tulong upang matagumpay nilang matapos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page