top of page
bg tab.png

Libreng Pagsusuri sa Mata, Ilulunsad ng Barangay Niugan sa Pamamagitan ng ‘Oplan Silip Mata’


Bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng lokal na pamahalaan, nakatakdang isagawa ang “Oplan Silip Mata” sa darating na ika-10 ng Enero, 2026. Ang aktibidad ay gaganapin sa Barangay Niugan Covered Court simula alas-9:30 ng umaga hanggang alas-2:30 ng hapon.


Ang inisyatibong ito ay proyekto ng Sangguniang Barangay ng Niugan na naglalayong magbigay ng libreng konsultasyon at pagsusuri sa mata para sa mga residente, lalo na para sa mga senior citizens at mga mag-aaral. Layunin ng programa na matukoy nang maaga ang mga problema sa paningin gaya ng katarata at malabong paningin upang mabigyan ng kaukulang tulong o payong medikal.


Pinapayuhan ang lahat ng nais lumahok na pumunta nang maaga at magdala ng sariling ballpen at valid ID bilang patunay ng pagtira sa barangay. Inaasahan ang pakikipagtulungan ng lahat upang mapanatili ang kaayusan sa loob ng covered court habang isinasagawa ang programa.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page