top of page
bg tab.png

Libreng Pagsasanay sa Paggawa ng Website para sa mga MSME, Inihandog ng BPLO Angat at DICT


Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) at katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region III, ang lahat ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa bayan na lumahok sa gaganaping MSME Website Creation Training.


Isasagawa ang naturang libreng online workshop sa Setyembre 11, 2026, mula 1:00 ng hapon sa pamamagitan ng platform na Google Meet. Layunin ng pagsasanay na matulungan ang mga lokal na negosyante na dalhin sa online world ang kanilang mga produkto at serbisyo sa tulong ng modernong teknolohiya at digitalization.


Bukas din ang naturang aktibidad para sa mga nagnanais pa lamang magsimula ng kanilang sariling Negosyo. Tampok sa pagsasanay ang pagtalakay sa mga pinakabagong trend sa teknolohiya, mga estratehiya mula sa mga eksperto ng DICT, at isang Live Q&A session para sa mga katanungan ng mga kalahok.


Maaaring magparehistro ang mga interesadong mamamayan sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code sa opisyal na poster o sa pagbisita sa nakalaang link (http://bit/MSMEsUpskilling).

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page