top of page
bg tab.png

Libreng Konsultasyon, Ilalapit sa mga Mamamayan ng Pulong Yantok


Bilang bahagi ng programa sa kalusugan ng Pamahalaang Barangay ng Pulong Yantok, isang Libreng Check-up ang nakatakdang isagawa bukas, January 14, 2026 para sa lahat ng mga residenteng nais sumangguni tungkol sa kanilang karamdamang pisikal.


Ang serbisyong medikal ay gaganapin sa Barangay Hall mula sa ganap na ika-1:00 ng hapon hanggang ika-5:00 ng hapon. Layunin ng aktibidad na ito na mabigyan ng mabilis at libreng akses sa mga propesyonal na doktor ang mga mamamayan, lalo na ang mga senior citizen, mga bata, at mga nagnanais magpa-check-up ngunit walang kakayahang pumunta sa malalayong ospital.


Inaasahan ng Sangguniang Barangay ang pakikiisa ng mga residente sa mahalagang proyektong ito. Pinapaalalahanan ang mga pupunta na magtungo nang maaga at magdala ng kanilang mga lumang reseta o medical records kung mayroon man, upang mas mapabilis ang proseso ng konsultasyon.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page