top of page
bg tab.png

Libreng Bone Screening at Calcium, Ipinagkaloob sa Barangay Banaban


Upang mapanatiling matibay at malusog ang pangangatawan ng mga Angatenyo, matagumpay na isinagawa ang FREE Bone Screening at Provision of Calcium Tablets nitong Huwebes, Hunyo 18, 2026, sa Banaban Health Station.


Ang proyektong pangkalusugan na ito ay naisakatuparan sa matatag na pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Angat, sa pamamagitan ng Municipal Health Office, katuwang ang Multicare Pharmaceutical.


Daan-daang residente ang nakinabang sa libreng pagsusuri kung saan sinaliksik ang katatagan ng kanilang mga buto upang maiwasan ang mga sakit tulad ng osteoporosis at bone density loss. Bukod sa libreng screening, binigyan din ang mga pasyente ng mga libreng calcium tablets na makatutulong sa pagpapanatili ng malakas na pangangatawan, partikular na para sa mga nakatatanda at kababaihan.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Banaban at ang mga residente sa Multicare Pharmaceutical at sa mga healthcare workers sa patuloy na pagdadala ng mga ganitong uri ng serbisyong medikal na diretso sa mga komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page