Libreng Bone Screening at Calcium, Hatid sa Barangay Sto. Cristo
- Angat, Bulacan

- Apr 16
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatatag sa kalusugan ng mga mamamayan, matagumpay na idinaos ang isang Free Bone Screening at pamamahagi ng Calcium tablets ngayong ika-6 ng Abril, 2026, sa Barangay Hall ng Sto. Cristo.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan sa Multicare Pharmaceutical. Layunin ng inisyatibong ito na matukoy ang kondisyon ng buto ng mga residente, partikular na ang mga nakatatanda, upang maiwasan ang mga sakit gaya ng osteoporosis at iba pang komplikasyon sa buto.
Bukod sa libreng screening, binigyan din ang mga kalahok ng libreng calcium tablets upang makatulong sa pagpapanatili ng malakas na pangangatawan. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng bayan na ilapit ang mga espesyalistang serbisyong medikal sa mga barangay upang hindi na kailanganin ng mga residente na lumayo pa.









Comments