Lakbay-Takbong Angat 2026, Muling Magbabalik para sa GulayAngat Festival
- Angat, Bulacan

- 22 minutes ago
- 1 min read
Muling magbabalik ngayong taon ang isa sa mga pinakaaabangang kaganapan sa bayan ng Angat—ang Lakbay-Takbong Angat 2026—mula sa inisyatiba ng Angat Tourism Office at sa pakikipagtulungan ng Angat Runners.
Ang naturang fun run ay pormal na bahagi ng taunang selebrasyon ng GulayAngat Festival. Ayon sa Angat Tourism, aasahan ng mga kalahok ang mga bagong kategorya sa pagtakbo pati na rin ang mga karagdagang sorpresang aktibidad na magpapasaya sa mga atletang Angateño at mga bisita mula sa iba't ibang bayan.
Magsisimula na ang opisyal na pagpaparehistro ngayong linggo. Ininaanyayahan ang publiko na subaybayan ang mga susunod na patalastas ng lokal na pamahalaan para sa buong detalye ng takbo at sa opisyal na mekanismo ng pakiisa sa linya ng simula.









Comments