top of page
bg tab.png

Kampanya sa Kalinisan: Clean-Up Drive, Isinagawa sa Barangay Niugan

Sep 12
1 min read

Muling nagkaisa ang Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Niugan sa pagsasagawa ng kanilang regular na Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 12, 2026.


Nakasentro ang aktibidad sa paglilinis ng mga pangunahing daanan, mga canal, at mga pampublikong pasilidad upang matiyak ang maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbara ng basura na pwedeng panggalingan ng mga peste at sakit.


Ang patuloy na inisyatibong ito ay bahagi ng masigasig na adbokasiya ng barangay sa pagtataguyod ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng buong pamayanan.


Muling nagpaalala at nanawagan ang pamunuan ng Barangay Niugan sa lahat ng residente na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura at patuloy na pangalagaan ang kani-kanilang mga bakuran.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page