Kalusugan ng mga Senior at May Sakit, Tinutukan sa Libreng Bone Screening sa Taboc Super RHU
- Angat, Bulacan

- Jan 27
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapalakas sa serbisyong pangkalusugan sa bayan, matagumpay na nagsagawa ng Free Bone Screening at pamamahagi ng libreng Calcium tablets ang Angat Rural Health Unit (RHU) nitong ika-22 ng Enero, 2026 sa Taboc Super RHU.
Ang naturang aktibidad ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng Multicare Pharmaceutical, na naglayong matukoy ang kondisyon ng buto ng mga residente, partikular na ang mga Senior Citizens, Barangay Health Workers (BHWs), at mga pasyenteng may Hypertension at Diabetes Mellitus (Comorbid). Ang mga grupong ito ang itinuturing na "high-risk" pagdating sa mga karamdaman sa buto gaya ng osteoporosis.
Ayon sa pamunuan ng Angat RHU, ang maagang pagsusuri o screening ay mahalaga upang maiwasan ang mga komplikasyon at bali sa buto sa hinaharap. Bukod sa libreng test, nabigyan din ang mga pasyente ng sapat na suplay ng Calcium upang mapanatiling matibay ang kanilang pangangatawan. Ang proyektong ito ay bahagi ng adbokasiya ni Mayor Jowar Bautista na ihatid ang de-kalidad na serbisyong medikal sa bawat sulok ng Angat.









Comments