Kabataang Angateño, Binigyang-Lakas Laban sa Teenage Pregnancy at HIV/AIDS
- Angat, Bulacan

- Jan 29
- 1 min read

Sa layuning bigyang-lakas at tamang impormasyon ang mga kabataang Angateño, matagumpay na idinaos ng Angat Rural Health Unit (RHU) ang isang symposium na may temang “Empowering Youth: A health and wellness symposium” nitong ika-28 ng Enero, 2026.
Ginanap ang aktibidad sa Pres. Diosdado Macapagal Memorial High School (PDMMHS) sa pakikipagtulungan ng Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG). Tinuon ng nasabing programa ang atensyon sa dalawang mahahalagang isyung kinakaharap ng kabataan sa kasalukuyan: ang Teenage Pregnancy at ang pag-iwas sa HIV/AIDS.
Ayon sa Angat RHU, mahalaga ang ganitong mga adbokasiya upang gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa ng mga responsableng desisyon para sa kanilang kinabukasan. Sa pamamagitan ng edukasyon at bukas na talakayan, layunin ng pamahalaang bayan na mapababa ang kaso ng maagang pagbubuntis at mapalawak ang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS awareness. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng administrasyong Bautista sa kalusugan at kapakanan ng sektor ng kabataan.









Comments