top of page
bg tab.png

KABATAANG ANGATENYO, BINIGYANG-DIIN ANG MAHALAGANG PAPEL SA DEMOKRASYA SA ISINAGAWANG YORP CARAVAN AT VOTERS' EDUCATION


Upang palakasin ang kamalayang sibiko at aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa lipunan, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Local Youth Development Council (LYDC), ang YORP Caravan at Youth Voters' Education sa Angat National High School nitong Hulyo 24, 2026.


Naging pokus ng naturang aktibidad ang pagpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa mga sumusunod na pangunahing adhikain:


  • Responsableng Pagboto at pagpili ng mga tamang pinuno

  • Aktibong Pagkamamamayan sa loob at labas ng paaralan

  • Mabuting Pamamahala at ang kritikal na papel ng kabataan sa pagtataguyod nito


Sa ginanap na mga talakayan, binigyang-diin na ang tunay na pagbabago sa lipunan ay nagmumula sa isang mamamayang may sapat na kaalaman, integridad, at malasakit sa bayan.


Naging katuwang sa tagumpay ng aktibidad ang pamunuan at mga guro ng Angat National High School, pati na rin ang suporta at boluntaryong paglilingkod ng Jowable Youth. Nagpaabot din ng suporta ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO Angat) sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga First Aid Kit bilang token para sa mga lumahok sa talakayan.


Ayon sa LYDC, patuloy nilang isusulong ang mga katulad na programa upang mapalakas ang boses at partisipasyon ng kabataang Angatenyo tungo sa mas maunlad at matatag na bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page