KABATAAN NG ANGAT, NAGWAGI SA PROVINCIAL BOY/GIRL OFFICIAL ELECTION NG BULACAN
- Angat, Bulacan

- Jul 29
- 1 min read

Muling ipinamalas ng kabataang Angatenyo ang kanilang husay at dedikasyon sa pampublikong paglilingkod matapos magwagi ang dalawang kinatawan ng bayan sa ginanap na Provincial Boy/Girl Official Election para sa Lalawigan ng Bulacan.
Kapwa matagumpay na nahalal bilang Miyembro ng Sangguniang Panlalawigan para sa Ikaanim na Distrito ng Bulacan sina:
Marvin Jared Julian mula sa Angel M. Del Rosario High School
Ralph Bryan Salamat mula sa Pres. Diosdado P. Macapagal Memorial High School
Ayon sa Local Youth Development Council (LYDC) ng Angat, ang tagumpay ng dalawang estudyante ay isang malaking dangal para sa kanilang mga paaralan at inspirasyon para sa buong kabataang Angatenyo.
Ipinahayag din ng pamunuan ng LYDC ang kanilang buong suporta sa mga bagong halal na youth officials habang ipinapakita ng mga ito ang tapang, puso sa paglilingkod, at kakayahang maging epektibong tagapaghatid ng positibong pagbabago sa lalawigan.









Comments