Joint Inspection Team ng Angat, Muling Umikot para sa Ligtas at Legal na Pagnenegosyo; Suporta sa MSMEs, Isinusulong
- Angat, Bulacan

- May 21
- 1 min read

Upang masiguro ang kaligtasan at legalidad ng mga negosyo sa komunidad, muling nagsagawa ng malawakang pag-ikot sa iba't ibang barangay ang Business Permit and Licensing System - Joint Inspection Team (BPLS-JIT) ng pamahalaang bayan.
Pangunahing layunin ng operasyon na tiyakin at suriin kung ang mga kasalukuyang establisimyento ay nakakuha at sumusunod sa mga kinakailangang business permits. Bukod sa regulasyon, layon din ng inspeksyon na makita ang aktuwal na sitwasyon ng mga negosyo upang makabuo ang pamahalaang bayan ng mga karagdagang programa at tulong, partikular na para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) sa Angat.

Naging matagumpay ang operasyon sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang departamento ng munisipyo, kabilang ang:
Business Permit and Licensing Office (BPLO Angat)
Municipal Planning & Development Office (MPDO)
Municipal Engineering Office (MEO)
Sanitary Office / Rural Health Unit (RHU)
Municipal Tourism Office
Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO Angat)
Nagpaalala naman ang tanggapan ng BPLO sa mga mamamayan at may-ari ng negosyo na kung may mga katanungan o nais iulat, maaari silang magsadya nang personal sa kanilang tanggapan, tumawag, o mag-iwan ng mensahe sa opisyal na Facebook Page ng BPLO Angat.








Comments