Inaabangang Kaganapan sa Angat Ngayong Oktubre 2026, Ipinahiwatig ng BPLO
- Angat, Bulacan

- 4 days ago
- 1 min read

Nag-iwan ng pananabik at palaisipan sa mga Angateño ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Angat matapos itong maglabas ng opisyal na patalastas ukol sa muling pagbabalik ng isang malaking kaganapan sa bayan ngayong darating na Oktubre 2026.
Sa isang pahayag mula sa BPLO Angat, pinasalamatan nito ang mamamayan at mga tagasuporta sa ilang taong walang sawang pagtangkilik sa naturang tradisyon. Inilarawan ng tanggapan ang patok at dinadayong okasyon na maghahatid ng gabi-gabing punong-puno ng kasiyahan, masasarap na kainan, at kwentuhan para sa buong pamilya at magkakaibigan.
Bagamat hindi pa opisyal na pinapangalanan ng BPLO ang naturang aktibidad, inaasahang maglalabas ng mga karagdagang detalye at opisyal na inanunsyo ang pamahalaang lokal sa mga susunod na araw ukol sa inaabangang okasyon sa bayan.








Comments