top of page
bg tab.png

Handog para sa Pangarap: LGU Angat at LYDC, Namahagi ng School Supplies sa Brigada Eskwela 2026


Upang tiyakin na walang kabataang Angateño ang maiiwan sa pagsisimula ng bagong taong panuruan, matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Local Youth Development Council (LYDC), ang "Agapay sa Pag-angat ng Karunungan: Brigada Eskwela 2026" noong Hunyo 1 hanggang 5, 2026.


Bitbit ang paniniwalang "Ang bawat kabataang nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral ay isang hakbang tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng ating bayan," personal na ipinamahagi ang mga libreng school supplies sa mga napiling mag-aaral mula sa mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa bayan na higit na nangangailangan.



Naging matagumpay ang limang araw na pamamahagi sa pamamagitan ng masigasig na pakikipagtulungan ng Angat LYDC sa iba't ibang grupo ng kabataan at boluntaryo sa munisipalidad, kabilang ang:

  • Jowable Youth

  • Angat Kalusugan

  • Angat Runners

Sa bawat paaralang binisita, muling naipamalas ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa upang magdala ng pag-asa at inspirasyon sa mga batang mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela.


Ayon sa Angat LYDC, higit pa sa mga materyal na gamit sa pag-aaral, ang bawat naipamahaging tulong ay sumisimbolo ng malasakit at suporta ng buong komunidad sa mga pangarap ng kabataan.


Pinatunayan ng inisyatibang ito na kapag nagkaisa ang lokal na pamahalaan, mga organisasyon, at mga boluntaryo, mas napapadali ang pag-aabot ng tulong at mas napapatibay ang pundasyon ng edukasyon sa Bayan ng Angat.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Angat LYDC sa pamumuno ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, sa mga Sangguniang Barangay, at sa lahat ng mga volunteers at organisasyong nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at serbisyo.


Dahil sa walang sawang suporta ng bawat katuwang na sektor, mas napalapit ang bayan sa layunin nitong bumuo ng mas maliwanag at progresibong kinabukasan para sa bawat kabataang Angateño.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page