top of page
bg tab.png

Guro ng Pablo C. Capistrano ES, Nakiisa sa Weekly Clean-Up Drive ng Barangay Banaban

Sep 12
1 min read

Updated: Sep 30


Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Barangay ng Banaban ang kanilang regular na Weekly Clean-Up Drive ngayong Setyembre 12, 2026, sa iba't ibang purok ng barangay.


Naging highlight sa naturang aktibidad ang aktibong paglahok at pakikiisa ng mga guro mula sa Pablo C. Capistrano Elementary School na sina Gng. Amelia S. Lumabas at Gng.

Rupina M. De Jesus, na nagpakita ng ehemplo ng pagmamalasakit sa kalikasan at kalinisan ng komunidad.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Banaban sa mga guro at sa lahat ng mga residenteng nag-ukol ng panahon at lakas upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas sa sakit ang pamayanan.


Patuloy na isinusulong ng barangay ang lingguhang paglilinis upang buhayin ang diwa ng bayanihan at tiyakin ang masigla at malusog na kapaligiran para sa bawat pamilya.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page