Erhard Science College Interns, Nag-Exit Call sa Angat MPS
- Angat, Bulacan

- Jan 26
- 1 min read

Opisyal nang tinapos ng mga Criminology intern mula sa Erhard Science College, Bulacan Inc. ang kanilang On-the-Job Training (OJT) sa Angat Municipal Police Station (MPS) ngayong ika-26 ng Enero, 2026.
Sa isinagawang Exit Call sa opisina ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge, binigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina at dedikasyon sa pagseserbisyo sa publiko. Nagbahagi si PCPT Viola ng mga mahahalagang payo at gabay na magsisilbing pundasyon ng mga estudyante sa oras na pasukin na nila ang mundo ng law enforcement.
Bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na pagtupad sa mga kinakailangang oras ng pagsasanay, iginawad sa mga intern ang kanilang Certificates of Completion. Ang nasabing aktibidad ay nagsilbi ring pagkakataon para sa mga mag-aaral na magpasalamat sa mentorship at suportang ibinigay ng mga tauhan ng Angat MPS, na naglayong hubugin ang kanilang pagkatao at propesyonalismo bilang mga susunod na tagapagtanggol ng bayan.









Comments