Educational Support: Barangay Donacion, Iniabot ang BBMP Financial Assistance sa mga Napiling Iskolar

Pormal nang naipamahagi ng Pamahalaang Barangay ng Donacion ang tulong-pinansyal sa ilalim ng programang Bawat Barangay Makikinabang (BBMP) para sa limang piling mag-aaral sa kolehiyo na ginawaran bilang Bagong Pilipinas Presidential Scholars.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang pagiging bahagi ng mga napiling iskolar ay hindi lamang simpleng pagkilala sa talino at sipag ng mga kabataan, kundi patunay ng kanilang dedikasyon, tiyaga, at pangarap na makapag-ambag sa pag-unlad ng pamayanan at ng buong bayan.
Ipinagmalaki ng Barangay Donacion ang tagumpay ng limang mag-aaral at nanawagan na magsilbi sana silang inspirasyon sa kapwa mga kabataan upang patuloy na mangarap, magsikap, at gamitin ang natutunang kaalaman para sa pagbuo ng mas maunlad na Bagong Pilipinas.
Binigyang-diin ng pamunuan na ang tagumpay at karangalang nakamit ng mga bagong iskolar ay tunay na karangalan din ng buong Barangay Donacion.










Comments