Clean-Up Drive, Isinagawa sa Dalawang Purok sa Sulucan

Matagumpay na isinagawa ng Sangguniang Barangay ng Sulucan ang kanilang Weekly Clean-Up Drive nitong Setyembre 12, 2026, na nakatuon sa mga lugar ng Purok Libis na Malaki at Purok Burol.
Sama-samang nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay at mga residente sa paglilinis ng mga kanal, gilid ng kalsada, at iba pang pampublikong pasilidad upang maiwasan ang pagbara ng mga daluyan ng tubig at panatilihing ligtas sa anumang karamdaman ang komunidad.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng mga mamamayang nakiisa at nagpakita ng patuloy na kooperasyon para sa ikalilinis at ikagaganda ng kanilang kapaligiran.
Ayon sa barangay, ang lingguhang paglilinis ay patuloy na ipatutupad sa iba't ibang purok bilang bahagi ng kanilang programa sa pagpapanatili ng kalinisan, kalusugan, at maayos na kapaligiran para sa bawat mamayan sa barangay.










Comments