‘Buntis Party’ sa Angat, Layuning Ihanda ang mga Ina para sa Ligtas na Panganganak
- Angat, Bulacan

- Jan 28
- 1 min read

Binigyang-halaga ng Pamahalaang Bayan ang kalusugan ng mga ina at sanggol sa idinaos na “Buntis Party” nitong ika-27 ng Enero, 2026 sa Municipal Health Office Conference Room, Barangay Sta. Cruz.
Sa ilalim ng temang “Buntis-ugnayan, isang kaligayahan at kahandaan, ating pag-planuhan,” ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Angat Rural Health Unit (RHU). Layunin ng programa na mabigyan ang mga nagdadalang-tao ng sapat na kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon, kahalagahan ng regular na check-up, at paghahanda para sa ligtas na panganganak at tamang pag-aalaga sa sanggol.

Bukod sa mga health lectures, naging pagkakataon din ang aktibidad upang mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng mga buntis at ng mga health providers sa bayan. Ayon sa Municipal Health Office, ang edukasyon tungkol sa Family Planning at maternal health ay mahalagang hakbang upang mapababa ang panganib ng mga komplikasyon sa panganganak. Namahagi rin ng mga munting regalo at health kits ang pamahalaan bilang suporta sa mga dumalong ina.









Comments