Nagpakita ng aktibong partisipasyon ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa ginanap na Barangay Training & Employment (BTEC) Orientation na isinagawa sa pangunguna ng mga kawani mula sa Provincial Public Employment Service Office (PESO). Ang mga dumalo sa nasabing programa ay sumailalim sa isang kumprehensibong oryentasyon hinggil sa kanilang mga tungkulin at mga kinakailangang dokumento ng mga Barangay Training Employment Coordinator (BTEC).
Ang nasabing pagtitipon ay itinaguyod ng Officer-in-Charge (OIC) ng PESO, si Daizerina Pascual, na naglalayong magbigay ng sapat na impormasyon at gabay sa mga kalahok hinggil sa kanilang proyekto at mga inaasahang responsibilidad. Kasama sa mga kalahok sa programa ang mga BTEC sa ating munisipalidad, kabilang ang mga BTEC mula sa bayan ng DRT, upang magkaroon ng masusing pag-unawa at pagtutulungan sa larangan ng trabaho at empleyo.
Commentaires