Brgy. Pulong Yantok, Idinaos ang Unang Flag Raising Ceremony at Bible Study ngayong 2026
- Angat, Bulacan

- Jan 5
- 1 min read

Pormal na binuksan ng Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok ang kanilang operasyon para sa taong 2026 sa pamamagitan ng isang makabuluhang Buwanang Pagtataas ng Watawat ngayong unang Lunes ng Enero.
Ang seremonya ay dinaluhan ng iba't ibang sektor ng komunidad, kabilang ang mga kawani ng Pamahalaang Barangay, mga guro mula sa Day Care Center, OMEES sa pangunguna ni Principal Dr. Ron Joseph Cortez, at mga guro ng High School sa ilalim ni Sir Marklee Sarmiento. Nakiisa rin ang Masagana Home Owners Association, kasabay ng pormal na pagpapakilala sa bagong pamunuan ng PY TODA sa pangunguna ng kanilang bagong halal na Pangulong si Homs Clemente.
Matapos ang pagpupugay sa watawat, agad na sinundan ito ng isang espiritwal na aktibidad—ang pag-aaral ng Salita ng Diyos. Pinangunahan ito nina PYCC Chairman Ariel Germar at Chairman Toto Guballa. Layunin ng gawaing ito na simulan ang taon nang may tamang gabay at matibay na pundasyon ng pananampalataya sa paglilingkod sa mga mamamayan ng Pulong Yantok.









Comments