top of page
bg tab.png

Brgy. Marungko, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Barangay Kalinisan Day

Sep 3
1 min read

Nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Marungko sa pambansang kampanya para sa kalikasan sa pamamagitan ng pagdaraos ng "Barangay Kalinisan Day" nitong Miyerkules, Setyembre 2, 2026.


Pinangunahan ng Sangguniang Barangay, kasama ang mga kawani at opisyal ng barangay, ang malawakang paglilinis sa mga kalsada, pampublikong pasilidad, at mga drainage sa buong komunidad.


Layunin ng aktibidad na maitaguyod ang responsableng pamamahala sa basura, mapanatiling maayos ang kapaligiran, at maiwasan ang pagdami ng mga pesteng nagdudulot ng sakit sa mga residente.


Nanawagan ang pamunuan ng Barangay Marungko sa buong pamayanan na patuloy na pangalagaan ang paligid at maging katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na barangay.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page