top of page
bg tab.png

Brgy. Donacion, Nakisaya at Nakiisa sa Pagdiriwang ng Barangay Kalinisan Day


Bilang pagtugon sa panawagan para sa mas malinis na bansa, nakiisa ang Barangay Donacion sa selebrasyon ng “Barangay Kalinisan Day” noong Sabado, ika-17 ng Enero, 2026.


Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Sangguniang Barangay, katuwang ang mga masisipag na kawani, barangay tanod, at mga volunteer na residente. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, nilinis ang mga pangunahing kalsada at mga pampublikong lugar upang masiguro ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran sa buong barangay.


Ayon sa pamunuan ng Donacion, ang layunin ng paglilinis na ito ay hindi lamang para sa estetika kundi para na rin sa kalusugan ng bawat pamilya. Binigyang-diin ng mga opisyal na ang pangangalaga sa kalikasan ay isang responsibilidad na dapat gampanan ng lahat. Hinikayat din nila ang mga mamamayan na gawing regular na gawi ang paglilinis upang mas lalo pang mapaganda at mapanatiling ligtas ang kanilang komunidad.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page