Brgy. Donacion, Ipinagpatuloy ang Pagsuporta sa Barangay Kalinisan Day sa Pamamagitan ng Clean-Up Drive

Nakiisa muli ang Pamahalaang Barangay ng Donacion sa pambansang adbokasiya sa kalinisan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Clean-Up Drive para sa "Barangay Kalinisan Day" ngayong Sabado, Setyembre 12, 2026.
Pinangunahan ng Sangguniang Barangay, kasama ang masisipag na kawani at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ang malawakang paglilinis sa iba't ibang sektor ng barangay upang tanggalin ang mga nakaimbak na basura at linisin ang mga drainage at pampublikong pasilidad.
Layunin ng lingguhang inisyatibong ito na maiwasan ang pagdami ng mga pesteng nagdadala ng sakit at mapanatiling ligtas, maayos, at kaaya-aya ang kapaligiran para sa bawat pamilya sa barangay.
Muling nanawagan ang pamunuan ng barangay sa lahat ng mamamayan na panatilihin ang disiplina sa pagtatapon ng basura at aktibong makiisa sa mga paglilinis upang patuloy na mapaganda ang komunidad.










Comments