Brgy. Banaban, Nakatakdang Ganapin ang 1st Semester State of the Barangay Address (SOBA) 2026
- Angat, Bulacan

- Mar 21
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng transparansya at maayos na pamamahala, muling magsasama-sama ang mga mamamayan ng Barangay Banaban para sa gaganaping 1st Semester Barangay Assembly 2026 ngayong darating na Sabado, ika-28 ng Marso.
Ang aktibidad ay pangungunahan ni Punong Barangay Fernando P. Dela Torre kasama ang Sangguniang Barangay. Idadaos ang pagtitipon sa Banaban Covered Court dakong alas-11:00 ng umaga. Inaasahang tatalakayin sa nasabing asamblea ang mga nagawa ng barangay sa unang bahagi ng taon, ang ulat sa pananalapi, at ang mga nakalinyang proyekto para sa ikabubuti ng bawat residenteng taga-Banaban.
Ayon sa pamunuan ng barangay, ang asembleyang ito ay mahalagang pagkakataon upang direktang makilahok ang mga residente sa mga usaping komunidad. Layunin nito na pakinggan ang mga mungkahi ng publiko at mas mapatibay ang ugnayan sa pagitan ng mga opisyal at ng kanilang mga pinaglilingkuran.









Comments