top of page
bg tab.png

Brgy. Banaban, Ipinagpatuloy ang Weekly Clean-Up Drive para sa Kalinisan at Kalusugan ng Pamayanan

Sep 26
1 min read

Muling nagkaisa ang pamunuan at mga residente ng Barangay Banaban sa isinagawang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, Setyembre 26, 2026.


Ipinagpatuloy ng barangay ang regular na paglilinis sa mga pangunahing kalsada, kanal, at mga pampublikong pasilidad upang matiyak ang kalinisan ng kapaligiran at maiwasan ang pagdami ng mga pesteng nagdudulot ng sakit sa komunidad.



Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay at mga mamamayan, muling naipamalas ang diwa ng bayanihan sa pagpapanatili ng maayos at ligtas na pamayanan.


Nagpasalamat ang Pamahalaang Barangay ng Banaban sa lahat ng mga residenteng nakiisa at nag-ukol ng panahon para sa kalinisan at kaayusan ng buong barangay.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page