BDRRMC Banaban, Nagpulong at Nagbigay ng Abiso Tungkol sa Bagyong UWAN
- Angat, Bulacan

- Nov 9
- 1 min read

Agad na nagsagawa ng pagpupulong ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) ng Banaban bilang paghahanda at pagtugon sa inaasahang Bagyong #UWAN.
Ang pulong, na pinamunuan ni BDRRMC Chairman Fernando P. Dela Torre, ay nagbigay-diin sa agarang aksyon para sa kaligtasan ng mga residente. Iniutos ng Punong Barangay na maging alerto at tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.
Kasabay ng pagpupulong, nagsagawa ang BDRRM Committee ng pag-iikot at pagbibigay ng abiso sa mga purok na malapit sa kailugan. Mahigpit na pinayuhan ang mga residente sa mga danger zone na lumikas na kung kinakailangan.









Comments