Bayan ng Angat, Sasariwain ang Kontribusyon ni Gat Blas Ople sa Kasaysayan
- Angat, Bulacan

- Jan 31
- 1 min read

Alinsunod sa umiiral na batas at sa proklamasyon para sa buong Lalawigan ng Bulacan, idineklara ang ika-03 ng Pebrero 2026 bilang isang Special Working Holiday. Ito ay bilang pagpupugay sa kaarawan ni Gat Blas F. Ople, ang tinaguriang "Dakilang Bulakenyo."
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nakikiisa sa pagkilala sa mahahalagang ambag ni Ople sa kasaysayan ng bansa, partikular na sa paglilingkod-bayan at sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino bilang "Ama ng Labor Code."
Dahil dito, pinapayuhan ng Lokal na Pamahalaan ang lahat ng mga pampubliko at pribadong tanggapan, mga institusyong pang-edukasyon, at ang lahat ng mga mamamayan ng Angat na maging gabay ang deklarasyong ito sa pagpaplano ng kanilang mga gawain at transaksyon sa nasabing petsa. Bagaman ito ay isang special working holiday kung saan magpapatuloy ang regular na operasyon ng mga opisina, hinihikayat ang lahat na gunitain ang kabayanihan at legasiya ni Gat Blas Ople.









Comments