top of page
bg tab.png

Barangay Sulucan, Nagsagawa ng Kalinisan Day sa Bagong Barangay Hall

Sep 3
1 min read

Nagsagawa ng matagumpay na Kalinisan Day ang Sangguniang Barangay ng Sulucan sa paligid ng bagong tayong Barangay Hall upang panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa kanilang nasasakupan.


Nakiisa ang mga opisyal at mamamayan ng barangay sa pagsasagawa ng pangkalahatang paglilinis at pag-aayos ng kapaligiran.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Barangay Sulucan sa lahat ng mga residenteng nakiisa at nag-abot ng tulong at kooperasyon upang masiguro ang tagumpay ng nasabing aktibidad.


Ayon sa barangay, ang patuloy na pagpapanatili ng kalinisan ay bahagi ng kanilang hangarin na magkaroon ng ligtas, maayos, at malusog na pamayanan para sa lahat ng mamamayan ng Sulucan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page