top of page
bg tab.png

Barangay Niugan, Nagsagawa ng Clean-Up Drive sa Araw ng Pista


Sa kabila ng pagiging abala sa mga paghahanda para sa Kapistahan ni San Pablo Apostol, hindi kinalimutan ng Sangguniang Barangay ng Niugan ang responsibilidad sa kapaligiran matapos isagawa ang isang Clean-Up Drive ngayong ika-24 ng Enero, 2026.


Maagang nag-ikot ang mga opisyal ng barangay, kasama ang mga Barangay Tanod at volunteers, upang siguraduhing malinis ang mga lansangan bago magsimula ang mga malalaking aktibidad gaya ng street dancing at prusisyon. Binigyang-diin ng pamunuan na ang isang tunay na matagumpay na kapistahan ay hindi lamang nasusukat sa ningning ng mga dekorasyon, kundi sa kalinisan at kaayusan ng buong komunidad para sa mga bisita at deboto.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page