top of page
bg tab.png

Barangay Niugan, Magdadaos ng Eleksyon para sa Bagong Liderato ng mga Senior Citizen

Nakatakdang pumili ng mga bagong lider ang sektor ng mga nakatatanda sa Barangay Niugan sa gaganaping Senior Citizen Election bukas, ika-21 ng Enero, 2026. Ang aktibidad ay magsisimula sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa Barangay Covered Court.


Ang halalang ito ay inorganisa ng Sangguniang Barangay ng Niugan upang bigyang-daan ang pagpili ng mga kinatawan na magsisilbing boses at mangunguna sa mga programa para sa kapakanan ng mga Senior Citizen sa komunidad. Layunin ng aktibidad na mas mapagtibay ang paghahatid ng mga benepisyo, tulong-medikal, at mga gawaing panlipunan para sa mga nakatatanda.


Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay ang kahalagahan ng pakikilahok ng bawat Senior Citizen upang matiyak na ang mga mahahalal na opisyal ay tunay na magtataguyod ng kanilang mga karapatan at pangangailangan. Inaasahan ang isang maayos at mapayapang proseso ng botohan bukas.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page